Napakaraming maaring ibig sabihin ng E.B.: EyeBall, Extra Big, Enormous Budget, Energy Bar.. ewan. Wala na kong maisip at baka pag-itinuloy ko pa e masyadong mahalatang kasama ko na paraati si James dahil sa kakornihan ko. Lahat ng ibig sabihin ng E.B. na 'yan maari ko yatang ikonekta sa buhay ko. EyeBall, dahil ng kasagsagan ng EyeBall craze sa Pilipinas, eh ilang beses kong sinubukan makipag eyeball pero, ayaw ko, baka kasi hindi ko magustuhan ung kikitain ko. Extra Big, dahil, extra big ang tiyan ko, at... extra big rin yata ako para kay james (haha. choz lang, babe.) Enormous Budget, eh dahil sa enormous (over)budget na naranasan at kinaharap ko nung Sandaang Panaginip P.M. ako, at Energy Bar, dahil, feeling ko kailangan ko na nito. Now na.
Pero wala pa ring tatalo sa pinakamahagang kahulugan ng E.B. sa buhay ko. At. Malamang sa hindi, alam niyo na naman 'yun.
Di gaya ni Leinard, hindi ko naisip na born-leader ako. Alam ko at nararamdaman ko na mas O.K. akong member lang. Naging leader din naman ako ilang beses na sa buhay ko: Class officer nung halos buong elementary, pepsquad leader nung 1st and Second Year HS, platoon leader nung 1st year, SM head, Stage and Props Head, Production Manager, etc. Pero sa lahat nang 'yan, di ako nasatisfy. Alam kong mas marami pa sana akong magagawa.
Tumakbo ako para maging AC for Theatricals ng Entablado Executive Board 07-08 nang walang ibang dala dala kundi kakapalan ng mukha at ilang words of encouragement mula kay Ate Reg, ang dating Theatricals head ko. Sa batch namin, isa yata ako sa mga pinakaunang nagpasa ng COC, hindi dahil excited akong tumakbo at atat na atat na ko at power hungry ako, kung hindi dahil malakas ang loob ko na sakaling manalo man ako, ay hindi ako pababayaan ng mga makakasama ko.
At nanalo nga ako.
Nagsimula ang termino namin ng napakaraming pasakit at hirap. Walang walang pera ang ENTA dahil sa mga naiwang pasakit ng napakagandang Sandaang Panaginip. At talagang sarili ko ang sinisisi ko 'dun, pero hindi kailanman pinaramdam sakin ng EB yun. Malamang makakarelate rin si Ate Meenuh dito, na siyang kasama ko sa produksyong iyon.
Marami pa kaming kinaharap na problema. Napakarami pa naming kinaharap na problema. Kawalan ng pera na naging resulta ng pagtitipid namin sa summer plevsem (na pinagmulan ng year long project ni Ate Meenuh, ang PLEDGING), kawalan ng tiwala mula sa mga miyembro (at iba pang mga tao), kawalan ng gaanong kaalaman sa ginagawa namin, at maraming marami pa talagang iba.
Pero lahat 'yun, nalagpasan namin -- ng sama sama. At talaga namang masasabi kong, walang isang naiwan at nang-iwan sa ere. At dahil doon, marami akong gustong pasalamatan.
Ate Reg - para sa pagencourage mo sa'king gawin 'to, kung di mo 'yun ginawa, marami akong na miss sa buhay ko. Salamat.
Jedz at Kalil - sa pagiging dalawang magkaibang deputy. Marami akong natutuhan sanyo. At salamat sa hindi pag-iwan at walang sawang pagsalo.
Ate Meenuh - simula pa ng Sandaang Panaginip ay pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob. Na siyang nakita ko ang pinakamalaking pinagbago sa aming lahat. Ikaw pa rin para sa akin ang pinakamagaling na AC for Finance. Dahil sayo mayaman na tayo. at sana alam mong, you're a strong person.
PatKendi - na talaga namang walang isyu sa katawan, ay... meron pala. Choz. haha. Na akala ko dati eh hindi ko makakausap dahil parang walang gustong sabihin, pero naging isa sa mga pinakamalalapit kong kaibigan sa EB. Salamat sa lipgloss at sa usapang... cosmo. :p
Mika - na parating hinihika. at pagod. at mabigat ang bag pag pumapasok sa meeting. Salamat sa walang humpay na pakikipagkaibigan at ka-ibigan sa mga bagong myembro. Malaki ang nagawa mo para sa pagsstay nila with us. :)
Princess - at sa balon-balon (at talagang balon at hindi galon) mong luhang ibinuhos para sa EB. maraming salamat. Sa pakikinig sa mga isyung hindi ko masabi kahit kanino. Sa pag-sama sakin sa lahat ng SP, EB at personal ups and downs ko. Multiply life by the power of Three. :)
Sir Jethro and Sir Ariel - sa pagpaparamdam na parating may sagot sa lahat ng tanong namin. At sa marami pang ibang bagay. :)
Leinard - sa lahat. and I mean lahat. Lagi mo lang alalahanin ng Venus sa umaga. Hindi ka mag-isa. Loveyou!:)
James - na hndi marunong maglagay ng punctuation marks sa text, dahil sa walang sawa mong pagiging rasyonal, Sa paggabay sa aming lahat, sa pagsubok huwag mag-isyu (at oo, pagsubok talaga) at sa effort mong makiconnect samin on a personal level (sa pamamagitan ng pagtext ng random "kamusta na?"). Magaling kang leader. Sana maniwala ka.:) mahal kita! :)
at para sa mga susunod na tatakbo, pahalagahan niyo tulad ng pagpapahalaga namin sa samahan namin, ang magiging samahan niyo. Iyon, para sa akin, ang esensya ng pagiging myembro ng executive board.